Debt List

gustong gusto ko ng umatend ng mga reunion, ng mga get together at mabisita ang mga dating kasama sa work. ma add sila sa facebook para makita nila ang progress ko ng walang takot na baka singilin nila ako sa wall page at para makita at malait ko na sila ulit sa mga pictures nila.

pero pano ko gagawin un kung hanggang ngaun, hindi pa ako nakakabayad sa kanila. ung iba sa kanila pinagpa sa Diyos na lang ang lahat, baka kaya kinakarma na ako. ung iba, nanahimik na lang pero alam kong nag aantay pa din ng bayad.


ung iba, malakas ang loob para ipamukha sa akin ung utang kong ilang taon ko ng hindi nabawasan.

gusto ko na silang bayaran - para maibalik ang nasira kong friendship at ung iba, para tuluyan ko na maputol ang koneksyon at makalimot sa mapait na nakaraan.

at gusto ko ng simulang un agad sa by acknowledging my debts - by coming up with a list na gusto kong makitang zero balang araw - as end of this year!


Total Utang  Critical 
Category  No   Yes   Grand Total 
Best Friend                 35,000.00        5,055.00      40,055.00
Colleague                 63,200.00      32,500.00      95,700.00
College Classmate                 12,500.00      12,500.00
High School Classmate                 12,700.00      12,700.00
No Comment    100,000.00    100,000.00
Relatives        7,849.55        7,849.55
Grand Total               123,400.00    145,404.55    268,804.55


with God's grace, sana magawa ko to while still giving a decent life to my children and still able to send my mother to the hospital whenever she needs to.

sa pag-alala ng Araw ng Pagkabuhay or Pasko ng Pagkabuhay ni Papa Jesus, gusto kong simulan ang pag renew sa buhay ko.

ayaw ko ng mabuhay sa takot, galit at hiya ng dahil sa utang ko.

pag wala na akong utang, maibabalik ko na ung dating ako at magiging proud na ulit sa akin ung best friend ko.

No comments:

Post a Comment