i always feel guilty pag inuuna ko sarili especially sa mga bagay na kapag hindi ko naman mabili e hindi naman ako mamamatay. pero at the back of my mind, sinasabi ko na i deserve this naman kc nagwo-work ako. someone needs how to reward herself pero if alam mo sa sarili mo na may mga taong umaasa sayo at kung gaano kalayo ang mararating nun ng equivalent amount in peso, napapaisip ako lagi. pero minsan, bumibigay ako at nanghihina din lalo na pag magaling ang sales talk.
but today was an achievement for me - proud of myself!
dahil sa bagong bff ko na laptop at kaadikan sa pagba blog, tinadtad na naman ako ng pimples. ung pimples ko na parang mga kautangan ko lang - imbes na mabawasan lalo pang nadadagdagan! kainis lang. so everytime na titingin ako sa salamin, naaawa ako sa nakikita ko. hindi ako pinagpapala ng magandang kyutis pero sana malayo na narating ko at kaya ko na sanang magpa-vicky belo at maka elbow to elbow ang mga ini-sponsoran ng celebrity cosmetic surgeon davah?! at ako lang ang dapat sisihin sa paghihinagpis ko ngayon.
eniwey highway, so me makulit na babaeng may mala porselanang kyutis ang naka spot ng aking bukbuking mukha sa mall. sabi nya cguro sa sarili - "whoa, this is a potential client!". so explain, explain at isa pang explain kung baket ko daw need bumili ng voucher worth $22 para kanilang special facial treatment. pinakita ang list ng gagawin - same process na binigay sa akin nung nagbayad ako ng $38 at walang nangyari!!!!
ikot ikot pa sa mall - at nakita ko ang isang bagay na parang kumikinang sa gitna ng mall...
benetton black sling bag - my weakness. from $89 to 39, not bad davah?! sa taong walang utang at walang ginagamit na bag, sobrang best deal na to. pero naisip ko, sa dami ng nakaabang sa bawat pisong padala ko (kasama na ung mga naningil) at bag na hindi ko nagagamit sa cabinet, hindi practical na gumastos ng $39 for something i might find good deal but i do not need.
so bottom line - saved myself $61 today. yahoo! tabi ko na lang sa bank.
coming to my senses slowly, slowly. hindi pa naman huli para magbago. i remember tuloy ung movie na "confessions of a shopaholic".
Rebecca Bloomwood: I know I've made some mistakes, but I"m turning my life around.
No comments:
Post a Comment